Hinimok ng OCTA Research team ang gobyerno na magpatupad ng mandatory quarantine period para sa mga bumabalik na Pilipino mula sa ibayong dagat.
Kasunod na rin ito ng report ng French authorities hinggil sa iniimbestigahan nitong coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant mula sa Western Brittany Region na mahirap ma-detect sa PCR tests bagamat sa ngayon ay hindi pa naman ito mapanganib o nakamamatay.
Sinabi ni Professor Guido David, miyembro ng OCTA research na nakakabahala ang report ng French authorities kaya’t dapat ayusin ang international travel protocols ng Pilipinas tulad nang pagkakasa ng mandatory quarantine period para sa mga returning Pinoys o tourists.
Dapat din aniyang paigtingin pa ng gobyerno ang contact tracing at palakasin pa ang COVID-19 testing.