Hindi pa napapanahon upang magpatupad nang mandatory COVID-19 vaccinations sa susunod na administrasyon.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force, sa kasalukuyan ay experimental pa ang mga bakuna.
Hindi aniya kailangang magmadali ang pamahalaan dahil kailangan munang masuri ang datos at matiyak ang resulta.
Sa ngayon, tanging ang mga Immunocompromised ang pinayagang makatanggap ng ikalawang booster.