Hindi pa napapanahon upang magpatupad ng mas mahigpit na protocols, para sa mga dumarating na dayuhan sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng banta ng sub-variants ng COVID-19 tulad ng BA.2, BA.4, BA.5 at BA.2.12.1.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David, ngayon pa lang sumisigla ang turismo ng Pilipinas kaya hindi angkop na isara ito.
Mahalaga pa rin aniya ang pagbabakuna at patuloy na pagsunod sa health protocols laban sa COVID-19.