Sinuspinde ng Phihealth ang implementasyon ng isang memorandum circular na nagpapahinto sa bayad sa mga hospital claims sa nadadawit sa fraud o panloloko.
Ayon kay Philhealth Spokersperson Shirley Domingo, ang memorandum circular number 2021-0013 ay sinuspinde kasunod ng pag-uusap sa mga ospital kasama si DOH Undersecretary Leopoldo Vega.
Paliwanag pa ni Domingo na ang nasabing memorandum ay kinakailangan para matutukan ang isyu sa insurance fraud.
Samantala, nilinaw naman ni Domingo na walang hospital claims ang kanilang tinigil sa pagpapatuloy ng pandemya. —sa panulat ni Rex Espiritu