Inirekomenda ng UP experts ang pagpapatupad ng modified quarantine sa sandaling magtapos ang isang buwang enhanced community quarantine.
Ayon kay UP Executive Vice President Teodoro Herbosa Jr, mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung tatanggalin na ang lockdown.
Sa ilalim anya ng modified lockdown, isasara pa rin ang mga paaralan at ang work from home scheme.
Bibigyan na anya ng konting kalayaan na makagalaw ang mga mamamayan subalit doon lamang sa mga lugar na walang masyadong transmission.
Magagawa anya ito sa sandaling madala na sa mga inihandang quarantine facilities ang mga patients under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM).
Nilinaw ni Herbosa na ipatutupad pa rin ang social distancing at social gatherings gayundin ang pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at iba pa.