Nanawagan ang grupong Cancer Coalition Philippines (CCPH) sa gobyerno na ipatupad na ang Republic Act 11215 o national cancer control act.
Ayon kay Dr. Rachel Rosario, miyembro ng CCPH, itinuturing na isa sa mga pinakanakamamatay na sakit ang cancer kaya naman inaasahang tataas pa ang kaso ng cancer sa susunod na 11 taon.
Dahil dito aniya, layon ng panukala na tulungan ang mga Pilipino na iwasan o labanan ang sakit na cancer.
Inihirit din ng grupo sa Kongreso na isama sa 2021 general appropriations act ang pondo para sa nasabing batas.