Pinag-aaralan na ng IATF ang pagpapatupad muli ng NCR Plus Bubble.
Nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force sa July 22, araw ng Huwebes.
Ayon kay DILG Undersecretray Epimaco Densing, isasama at bibigyang tugon ang suhestyon ng OCTA Research Group sa agenda na ilalatag sa gaganaping pagpupulong.
Ang naturang pagtugon ay matapos umapelaang OCTA Research sa pamahalaan na muling ibalik ang NCR Plus Bubble ang mga lalawigan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal.
Ipinabatid ni Dr. Guido David na magbibigay-daan ito upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bukod dito, sinabi rin ni David na kailangan rin higpitan ang galaw ng mga bata lalo na’t hidni pa ito maaaring mabakunahan.