Hindi fair o patas ang binuhay na rekomendasyong ipasa na lamang ang lahat ng mga estudyante dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay education Undersecretary Diosdado San Antonio, maraming estudyante ang sinisikap na makapasa sa kabila ng mga hamon ng online learning samantalang ilang mag-aaral na naman ang hindi seryosos a kanilang pag aaral.
Sinabi ni San Antonio, na hindi matuturuan ng responsibilidad ang mga bata kapag nagpatupad ng ‘no fail policy.’
Dapat aniyang ma motivate ang mga estudyante sa kanilang pag aaral kapag nakita na nila ang kanilang mga grades.