Hindi pa muna ipatutupad ng MMDA ang number coding scheme.
Ito ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ay dahil manageable pa ang trapiko sa Metro Manila kaya’t libre pa ang lahat ng mga sasakyan para na rin makapag hanap buhay.
Subalit sinabi ni Abalos na kapag lumala ang trapiko kaagad din naman nilang ibabalik ang number coding scheme.
Sa ngayon aniya ay may pinaiiral na truck ban ang MMDA sa Metro Manila.
Inihayag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala namang problema sa daloy ng trapiko sa EDSA mula nang buksan ang mga connector tulad ng skyway at iba pang bagong kalsada.