Iniurong sa August 1 mula sa July 15 ang pagpapatupad ng ban sa provincial buses na dumaan sa EDSA sa loob ng ilang oras.
Ipinabatid din ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na pinalitan nila ang oras kung kailan hindi papayagang dumaan ng EDSA ang mga bus na bumibiyahe sa mga lalawigan.
Sa halip na alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi na unang anunsyo, sinabi ng MMDA na ipatutupad na nila ang ban mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi sakop ang bahagi ng EDSA mula Pasay City hanggang Cubao sa Quezon City.
Itinakda naman sa July 24 ang dry run para sa nasabing ban na ipatutupad lamang tuwing weekdays o mula Lunes hanggang Biyernes.
—-