Ipinagtanggol ni Department of Finance Secretary Carlos G. Dominguez III ang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law (RTL) sa bansa na nagpapahintulot sa walang limitasyong pag-angkat ng bigas sa 35% taripa.
Ito’y kasunod ng plano ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suspindihin ang naturang batas at pangakong pagbaba sa presyo ng bigas mula P20 hanggang P30.
Giit ni Dominguez, nagpapababa ng presyo ng pangunahing pagkain ang naturang batas para sa 100m Pilipinong mamimili gayundin ang nagbibigay ito ng bilyon-bilyong pisong pondo sa sektor ng agrikultura.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RTL bilang batas noong Pebrero taong 2019 at ipinatupad noong Marso ng parehas na taon.