Sanib-puwersang tinututukan ng Metro Manila LGUs, LTO at MMDA ang posibleng pagpapatupad ng single ticketing system sa mga lalawigan.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, bagong pinuno ng Metro Manila Council at co-chair ng regional development council, binuo na nila ang technical working group para gumawa ng mga polisiya hinggil sa nasabing panukala.
Sinabi ni Zamora na makatutulong ng malaki ang nasabing hakbangin dahil nagkakataon halimbawa na ang isang taga-lalawigan ay dumaan ng Metro Manila at nahuli sa isang traffic violation, hindi na kailangang bumalik pa ng NCR para magbayad ng traffic violation.
Makatutulong ang integrated system para sa lalawigan na lamang magbayad kung saan nakabase ang traffic violator at hindi na bumalik pa ng Metro Manila.
Sa ilalim ng single ticketing system mas madali na lamang para sa traffic violators sa NCR na makapagbayad ng multa sa pamamagitan ng Bayad Center o mobile apps.