Mahigpit na babantayan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang pagpapatupad ng kalalagda pa lamang na Sangguniang Kabataan Reform Act.
Ito’y makaraang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing batas na naglalayong itaas ang edad ng mga tatakbo sa SK position.
Ayon kay PPCRV National Chairperson at dating Ambassador Henrietta Tita de Villa, napakahalaga aniya nito lalo’t ito lamang ang batas na nagbabawal sa tinatawag na political dynasty.
Magandang paraan din aniya ito para mabura na sa isipan ng publiko na nagiging breeding ground ang SK para sa mga pulitikong corrupt.
Nakasaad sa nasabing batas, itinataas na ang edad ng mga tatakbo sa SK position sa 18 hanggang 24 mula sa dating 15 hanggang 17 taong gulang.
By Jaymark Dagala