Nilinaw kahapon ng Energy Regulatory Commission(ERC) na nasusunud ng mga Distribution Utilities (DUs) ang itinakda nilang system loss cap.
Sa harap ito ng akusasyon ng dating Distribution Utility na Panay Electric Company(PECO) sa More Electric and Power Corporation (More Power) na naniningil umano ng mas mataas na systems loss sa kanilang mga customer.
Ayon kay ERC Chairman Agnes Devanadera mahigpit nilang minomonitor ang pagsunud ng mga DUs sa itinakda nilang system loss cap.
Sa ilalim ng ERC rules, kailangang magsumite ng mga Distribution Utilities ng kanilang system loss reports kada buwan gayundin ang sworn statement annual report na nagpapakita ng kanilang system loss kaya naman namomonitor ng ahensya kung mayroong hindi sumusunud.
Taong 2018 nang magpatupad na ng system loss cap na 6.5% ang ERC sa lahat ng mga DUs, layon ng hakbang na ito na mapababa ang binabayaran ng mga customer alinsunud na rin sa itinatakda ng Electric Power Industry Reform Act(EPIRA) at para mapagbuti ng mga power supplier ang kanilang distribution system. —ulat mula kay Bert Mozo
The lowering of the system loss caps is a move to bring down the power rates and help electricity consumers mitigate the impact of rising costs of commodities and services. This will encourage distribution utilities (DUs) to improve their distribution system and facilities so that they adhere to the newly-prescribed system loss cap,” nauna nang pahayag ni Devanadera.