Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko, transport operators at driver na tuloy ang fare hike sa Lunes, October 3.
Ayon kay Transport secretary Jaime Bautista, dapat munang ipaskil ng mga PUV ang bagong fare matrix bago magpatupad ng bagong dagdag pasahe.
Simula sa Lunes, magtataas ng P1.80 centavos ang mga tradisyunal na jeep habang P2.20 centavos para sa mga modernong jeepney kada – kilometro.
Dalawang piso naman ang dagdag pasahe para sa mga bus.
P45 naman sa taxi habang P55 sa AUV o SUV.
Samantala, patuloy namang pinag-aaralan ng kagawaran ang hirit din ng MRT-3 at LRT-2 na taas-pasahe. —sa panulat ni Jenn Patrolla