Muling binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagpapatupad ng total mining ban sa buong bansa kasunod ng dalawang insidente ng landslide sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu.
Kalunos-lunos aniya ang nangyaring insidente sa Naga, Cebu gayung hindi naman ito direktang tinamaan ng nagdaang Bagyong Ompong ngunit nakaranas pa rin ng landslide.
Ayon kay Pangulong Duterte, posibleng maulit pa ang mga naturang trahedya kapag hindi naisa-ayos ang problema sa pagmimina.
Iginiit pa ng Pangulo na maari namang makuha sa ibang sources ang kita ng gobyerno na 70 billion pesos mula sa mining industry.
Gayunman, inamin naman ng Pangulo na hindi ito magiging madali lalo’t siguradong kokontrahin ito ng kanyang mga economic managers.