Irerekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng travel ban sa Taiwan.
Ito, ayon kay Health undersecretary Gerard Bayugo, ay para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa gitna na rin nang patuloy na paglaganap ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sa ngayon ay nakapagtala na ang Taiwan ng 18 kaso ng 2019 nCoV-ARD.
Sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III na 120,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan bukod pa sa 20,000 undocumented OFWs.
Tiniyak naman ni Bello na mayroon ng contingency ang mga apektadong OFW sakaling matuloy ang travel ban sa Taiwan.