Pinag-aaralan pa ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) ang pagpapatupad ng travel restriction sa mga Chinese national na bibisita sa bansa.
Ito’y matapos makumpirmang may isang uri ng corona virus ang kumakalat sa China.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, wala pang paghihigpit ang pamahalaan sa pagpapapasok sa bansa ng mga Chinese national.
Ani Duque, pinagaaralan pa nila at ng WHO ang nasabing hakbang ngunit aniya dapat ay mauna nang maghigpit ang China sa kanilang mamamayan sa pagbyahe sa patungong ibang bansa.
Gayunman tiniyak ng kalihim na patuloy nilang ugnayan sa WHO para sa mga dapat ipatupad para hindi na kumalat pa ang nasabing virus sa bansa.