Malabnaw pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mungkahi ng ilang opisyal at eksperto na magpatupad na ng mahigpit na COVID-19 restrictions, partikular sa mga biyahero mula sa China.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., maaaring hadlangan ng desisyon ang pagsisikap ng bansa na ibangon ang ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Sa katunayan, sa pagbisita ni PBBM sa China, sinabi nito sa delegasyon ng media ng Pilipinas na ang kanyang administrasyon ay magpapatuloy sa isang diskarte na nakabatay sa siyensya sa pagtugon sa pandemya.
Noong nakaraang linggo, ipinanawagan ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista ang pagpapatupad ng mahigpit na restriksyon lalo’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng virus sa China.
Inaasahan naman sa susunod na linggo maipalalabas ng Philippine Genome Center ang resulta ng genome sequencing para sa walong Pilipinong nagpositibo sa virus na nanggaling sa China.