Naghigpit sa pagpapatupad ng truck ban sa ilang bahagi ng Lungsod ng Legazpi.
Kasunod ito ng ibinabang Executive Order ni Albay Governor Noel Rosal sa Public Safety Office at Philippine National Police (PNP) na higpitan ang truck ban sa Barangay Rawis at Yawa Bridge.
Nabatid na magsisimula ang truck ban mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar araw-araw.
Ayon kay Rosal, posible pang bumigat ang daloy ng trapiko dahil nalalapit na ang pagbabalik ng face to face classes ng mga estudyante.
Sa ngayon, inatasan na ni Rosal ang mga otoridad na imonitor ang mga 10 wheeler trucks na nangunguna umano sa mga lumalabag sa pinalabas na EO ng Provincial Government of Albay.