Walang personalan ang pagpapatupad muli ng truck ban —epektibo simula ngayong araw na ito.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA traffic director Col. Bong Nebrija dahil matagal nang polisiya ang truck ban.
Nilinaw ni Nebrija na hindi pinipigilang bumiyahe ang mga truck at inaayos lamang nila ang paglabas ng mga ito para naman hindi maka perwisyo sa mga papasok sa trabaho.
Wala pong personalan ito sa mga truckers. It’s part of traffic managing, hindi naman po sila pinipigilan, na huwag bumiyahe. Magkakaroon lang po tayo ng oras na hindi ka pupwede sa kalsada,” ani Nebrija. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882