Malaki na ang ipinagbago sa pagpapatupad ng giyera kontra droga ng pamahalaan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, hindi katulad ng naunang taon ng war on drugs, mas konti na ngayon ang namamatay sa mga police operations.
Sinabi ni Albayalde na sinisikap naman ng pulisya na malimitahan, kun’di man, walang masawi kapag nagsasagawa ng operasyon kontra droga.
Una nang naglabas ng datos ang PNP kung saan umaabot sa 6,600 ang bilang ng nasawi sa war on drugs mula nang maupo ang Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa kasalukuyan.
Malayo ito sa mga naunang lumabas na datos at sa datos ng human rights groups na nasa mahigit na sa 10,000 katao ang nasawi.
Unlike noon talagang bulusok ‘yung war on drugs, ngayon kahit na bulusok ang war on drugs, ayun nga po nag-improve na ‘yung sitwasyon natin sa iligal na droga ay medyo bumaba naman ‘yung mga namamatay sa iligal na droga. Ngunit kumpara pa rin natin doon sa mga nahuli, na kung saan nasa more than 240,000 na ang nahuli. Ito po ay nagrerepresent lang ng mga around 3 not even 5% kaya malayong-malayo po ito sa sinasabi nila na kapag nag-operate ‘yung pulis ay palaging namamatay,” ani Albayalde.
Aminado si Albayalde na malaking problema sa kanilang giyera kontra droga ay ang malaking bilang ng mga sumusukong lulong sa bawal na gamot na ngayon ay nasa mahigit 1-M na.
Ayon kay Albayalde, walang kakayahan ang PNP na ipasok sa rehab ang mga drug addicts kayat umaapela sila ng tulong.
Kailangan talaga may detox na kung tawagin, talagang kailangan ipasok sa rehab. Katuwang na po natin d’yan ‘yung ating simbahan. Marami pong tumulong sa atin and other non-government organizations. Remember mahigit isang milyon po iyan, hindi nila kaya ‘yung volume. Mangilan-ngilan po ‘yung iba kaya nila sa isang klase kung minsan nasa 250, 300. Ganu’n po ang kaya nila at a time. Inaamin po natin sa aming parte kasi wala pa kaming rehabilitation program na makayanan din ‘yung volume ng mga nagsusurrender sa ‘min,” ani Albayalde.
Ratsada Balita Interview