Nakadepende na ang desisyon sa mga pribadong kumpanya kung muling magpapatupad ng Work From Home (WFH) arrangement sa kanilang mga manggagawa.
Ipinabatid ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na sa kanilang kumpanya tuwing Biyernes lamang ang work from home set up ngunit mula Lunes hanggang Huwebes ay kailangan pumasok ng pisikal sa opisina.
Ani Concepcion, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, kapansin pansin ang pagbaba ng mobility o pagbiyahe ng mga tao kaya ang iba ay mas pinipili na lamang ang work from home set up.
Samantala, aminado si Concepcion na kapag nagpatuloy ang walang tigil na oil price hike at iba pang pagtaas ng bilihin ay maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa.