Binusisi sa Senado ang Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act upang mabatid kung mahusay at epektibo itong naipatutupad.
Sa resolusyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, nais nitong masigurong mahigpit na naitutupad ang wildlife act at maiwasang mapatay at malipol ang mga endangered species tulad ng nangyaring pagbaril sa philippine eagle na si Pamana.
Kabilang sa mga nasilip sa pagdinig ay ang kawalan ng mga forest guard sa mga protected areas.
Natuklasan din na bagama’t may mga nakasuhan na dahil sa paglabag sa wildlife act ay mabagal naman ang prosecution ng mga naturang kaso.
By: Jerbert Perdez