Iginiit ni Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor na napapanahon na para gamitin ng kamara ang kapangyarigan nito para kasuhan ang mga nasa likod ng rice smuggling, hoarding at iba pang iregularidad sa rice sector.
Ito, ayon sa dating agriculture secretary, ay dahil mataas pa rin ang presyo ng bigas sa kabila ng pagpapatupad ng executive order no. 62 o ang pinababang taripa sa imported rice.
Binigyang-diin din ng opisyal na hanggang ngayon ay tikom pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa apela nilang ihinto na ang E.O. 62, bagay na pinakikinabangan lamang naman ng ibang bansa. – Sa panualt ni Laica Cuevas