Nananatili pa rin na epektibong sandata ang Covid-19 vaccine laban sa bagong namataang BQ.1 subvariant.
Ito ang dahilan kaya muling umapela sa publiko si Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na magpabakuna at magbooster shot upang maiwasan ang pagkakahawa ng malalang sakit at mapigilan ang pagkalat ng virus.
Pero paglilinaw ni Vergeire, na sa ngayon, patuloy paring nasa low risk ang healthcare utilization rate ng bansa.
Gayunman, nakahanda aniya ang pamahalaan sakaling makitaan ng pagtaas ang healthcare utilization sa mga pagamutan.
Binigyang-diin naman ng DOH OIC ang kahalagahan ng pagpapalakas ng local and international surveillance at ng data-sharing systems ng gobyerno upang agad na ma-update o mapalakas ang efficacy ng Covid-19 vaccines.