Pinayuhan ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana ang publiko na huwag kumuha ng pangalawang booster shot laban sa COVID-19.
Aniya, marami pang indibidwal ang wala pang primary dose na dapat ay unahin.
Tinutukoy pa rin aniya ang bisa ng naturang bakuna kung saan posibleng may mas magandang vaccine pa ang lumabas na maaaring ibigay bilang fourth dose.
Sinabi naman ni Salvana na nakasalalay sa Food and Drug Administration kung papayagan nito ang pagbibigay ng mga booster shot sa mga edad 12 hanggang 17. – sa panulat ni Airiam Sancho