Magpapalabas ng advisory ang vaccine expert panel hinggil sa posibleng pagturok ng magkaibang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Dr. Nina Gloriani, head ng panel, kasunod ng mga tanong kung uubrang magpabakuna ng magkaibang brand lalo na’t nade-delay ang AstraZeneca vaccine.
O kaya naman aniya ay may posibilidad na habaan ang interval o pagitan nang unang dose sa ikalawang dose ngayong bahagyang nade-delay ang suplay ng AstraZeneca.
Titignan po natin ‘yan (magkaibang brand ng bakuna sa dalawang dose), kasi magkaiba ng platform, pero pinag-aaralan na namin,” ani Gloriani. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882