Posibleng gawing taon-taon ang pagbabakuna kontra Covid-19 upang mapalakas ang immunity laban sa sakit.
Ito’y inihayag ni Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa isang Press Briefing.
Ayon kay Vergeire, aprubado na ng European Medicines Agency ang mga bakunang Pfizer o Biontech at Moderana vaccines laban sa BA.4 at BA.5 subvariants.
Nakahanda naman anya ang kagawaran na mabakunahan ang mga batang anim na buwan hanggang apat na taong gulang.
Samantala, batay sa World Health Organization, aabot na sa 90% ng populasyon sa buong mundo ang nabakunahan, ngunit maari pa ring lumitaw ang mga bagong variant sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla