Ipagpapatuloy ng Administrasyong Marcos ang pagpapaunlad sa transportation system ng bansa upang mapanatili ang pinakamura at abot kayang halaga ng pamasahe para sa mga pasahero.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang railway projects kabilang na ang North-South Commuter Railway System; ang 33-kilometer Metro Manila subway project; ang 147-kilometer North-South Commuter Railway System; ang 12-kilometer LRT-1 Cavite Extension; ang 23-kilometer Metro Rail Transit-7; at ang common station na magkukunekta sa LRT-1, MRT-3 at MRT-7.
Bukod pa dito, tututukan din ni PBBM ang larger scale railway systems katulad ng 102-kilometer Mindanao Railway Project; Panay Railway Project; at ang Cebu Railway System bilang bahagi ng Transport and Communication System ng bansa.
Samantala, nangako naman si PBBM na ipagpapatuloy ng kaniyang Administrasyon ang pagpapaganda at pagsasa-ayos ng mga kalsada at sistema sa transportasyon kabilang na ang proyekto sa Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus System, Ilocos Norte Transportation Hub, at ang El Nido Transport Terminal.