Pinamamadali na ng Malacañang ang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasuri na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at sumailalim na sa 14 araw na quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binubulabog na nila ang mga kaukulang ahensya para hindi magtagal ang proseso dahil kung minsan ay mayroon na anyang resulta subalit hindi ito nare-relay agad.
Sa ngayon anya ay may 13,000 OFWs ang nakapagtapos na ng COVID-19 test at quarantine at inihahanda na sa kanilang pag-uwi.
Ginawa ni Roque ang pahayag sa harap ng pangamba ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez na maubusan ng quarantine facilities para sa 42,000 pang OFWs na parating sa bansa.