Iginiit ng Malakanyang na walang kinalaman ang isyu ng ‘Press Freedom’ sa ginawang desisyon ng SEC o Securities and Exchange Commission na kanselahin ang lisensya ng online news website na Rappler.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang tunay na usapin dito ay kung nakatugon ba ang Rappler sa itinatakda ng batas ukol sa restriksyon hinggil sa pagma – may – ari ng media entity sa bansa.
Giit ni Roque , naka sentro ang desisyon ng SEC sa ‘compliance’ o tamang pagsunod sa ipinatutupad na batas at hindi tungkol sa malayang pamamahayag.
Dagdag pa ni Roque , ginawa lamang ng SEC ang mandato nito na i-regulate ang mga kumpanyang nangangailangan ng isangdaang porsyento ng ‘Filipino ownership’ gaya ng media.