Muling inapela ni dating House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagpapawalang bisa sa umiiral na Oil Deregulation Law.
Ayon kay Zarate, patuloy na magdurusa ang mamamayang Pilipino kung ang batas na ito at ang patakarang neoloberalisasyon na lumikha nito ay hindi ibabasura.
Kahit na aniya may bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo hindi pa rin ito sapat.
Muling panawagan ng dating mambabatas sa 19th Congress na tuluyang isapa ang mga nakabinbing panukalang batas para tugunan ang mga problemang dulot ng Oil Deregulation Law. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)