Hiniling ng Solicitor General sa Korte Suprema na pawalang bisa ang appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Katas-taasahang Hukuman.
Sa kanyang quo warranto petition, inisa-isa ni Solicitor General Jose Calida ang mga probisyon sa konstitusyon na nalabag nang italaga si Sereno bilang Chief Justice.
Isa rito ang halos sampung (10) beses na kabiguan ni Sereno na isapubliko ang kanyang yaman nang hindi siya maghain ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth na isa constitutional requirements para makapasok sa Korte Suprema.
Quo Warranto is recognized as an extraordinary legal remedy sanctioned not only by the Rules of Court, law and jurisprudence but by the Constitution itself whereby the State challenges a person to show by what authority he holds a public office.https://t.co/N2zMmjypNV
— SolGen Jose C Calida (@SolGenCalida) March 5, 2018
Maaaring isabay ang pagdinig ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourders Sereno at impeachment trial sakaling maisampa na ang articles of impeachment sa Senado.
Ayon kay Atty. Manny Luna, abogado ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC, mawawalan lamang ng saysay ang isa sa dalawang kaso kung maglalabas na ng desisyon alinman sa Korte Suprema o Senado.
Ang quo warranto ay petisyon para tanggalin ng Korte Suprema si Sereno dahil sa simula pa lamang umano ay depektibo na ang kanyang appointment bunga ng kabiguan nitong magsumite ng kanyang SALN.
Samantala, pag-alis rin sa puwesto ang tanging parusa sa impeachment case.
(with interview from Balitang Todong Lakas)
Red Monday Protest
Full force na dumalo sa flag raising ceremony ng Korte Suprema ang labing tatlong (13) mahistrado na pumirma sa resolusyon para piliting magbakasyon muna si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nagsuot naman ng pula ang halos lahat ng mga empleyado ng Supreme Court na dumalo sa flag raising ceremony.
Dumalo rin sa flag raising ang ilang miyembro ng Philippine Judges Association sa pangunguna ni Judge Felix Reyes.
TINGNAN: Mga empleyado ng Korte Suprema, nakasuot ng pulang damit sa isinagawang flag ceremony ngayong araw #RedMondayProtest | via @bert_dwiz882 pic.twitter.com/d83cACQB1D
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 5, 2018
Samantala, hindi naman nagpadaig ang mga supporters ni Sereno.
Nagpakita rin ang mga ito ng puwersa sa labas ng Korte Suprema bilang suporta kay Sereno sa harap ng inihaing quo warranto petition ng Solicitor General.
(with report from Bert Mozo)