Iginiit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pagpapawalang-bisa sa Rice Tarification law.
Ayon kay Danilo Ramos, chairman ng KMP, dapat alam na ngayon ng pamahalaan na mistulang death sentence para sa mga magsasaka ang Rice Tarification law.
Sinabi ni Ramos na mula sa P17.00-P18.00/kilo, nabebenta na lamang ngayon sa P7.00-P8.00/kilo ng palay sa Nueva Ecija, ang tinaguriang ‘Rice Bowl’ ng bansa.
Dahil anya sa Rice Tarification law kung saan tinanggalan ng tungkulin ang National Food Authority na mamili ng palay ng mga magsasaka, naiwanan na ang mga magsasaka sa kamay ng private traders na bumabarat sa kanilang palay.
Kasabay nito, nanawagan rin ang KMP sa pamahalaan na magpatupad muna ng moratorium sa conversion ng mga lupang pansaka.