Isinulong ng Makabayan Bloc sa Kongreso ang pagpapawalang bisa sa VFA o Visiting Forces Agreement at EDCA o Enhanced Defense Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sa ilalim ng resolution no. 36, sinabi ng Makabayan Bloc na dapat lamang mapawalang bisa ang VFA sa harap ng mga pang aabusong ginawa ng mga sundalong amerikano sa mga babae at LGBT community sa Pilipinas.
Tinukoy sa resolusyon ang mga kaso nina Jennifer Laude na pinatay di umano ni Private First Class Joseph Pemberton ng U.S Marine Corps noong October 2014 at ang rape case ni “Nicole” kung saan ang akusado ay si U.S Corporal Daniel Smith.
Samantala, sa hiwalay na resolution no. 37, sinabi ng Makabayan Bloc na dapat na ring mapawalang bia ang EDCA o Enhance Defense Cooperation Agreement dahil nilalabag nito ang national sovereignty at inilalagay sa mapanganib na sitwasyon ang geo-political sa West Philippine Sea.