Pangunahing tututukan ng mga senador sa pagsisimula ng kanilang sesyon ang pagpapasa ng pambansang budget para sa kasalukuyang taon.
Ito’y makaraang mabigo silang maaprubahan ito bago matapos ang taong 2018.
Kasalukuyang nasa sampung ahensya pa ng gobyerno ang nakatakdang sumalang sa period of interpellation kabilang na ang Department of Public Works and Highways, Department of Health, at tanggapan ng Commission on Elections.
Kaugnay nito ay magsasagawa pa rin ng sesyon sa umaga at hapon ang mga senador para sa pag-apruba ng budget.
Samantala, tatalakayin din sa kanilang sesyon ang usapin kung kailangan pa bang magsagawa ng bicam para sa panukalang batas na bubuwag sa road board.