Nakamonitor si Pangulong Rodrigo duterte sa naging pagdinig ng Senado kahapon ukol sa usapin ng fake news.
Matatandaang dumalo sa naturang hearing ang mga kilalang supporter ng Pangulo sa social media na sina Presidential Communications Office o PCO Assistant Secretary Mocha Uson, blogger at DFA o Department of Foreign Affairs consultant na si RJ Nieto alyas Thinking Pinoy at iba pa.
Ayon sa Pangulo, maituturing na sensorship kung lalagyan ng standard ang mga ipinopost sa social media para masawata ang fake news.
Binigyang diin ng Pangulo na mas makabubuti ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong mapabigat ang parusa sa mga kasong slander at libel.
—-