Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakapasa ng 2019 national budget sa dalawang kapulungan ng kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ikinalugod ng Palasyo na nagkasundo na ang Senado at Kamara para aprubahan ang pambansang budget.
Sinabi ng kalihim na mahalaga para sa bansa at sambayanan ang 2019 budget dahil dito nakasalalay ang mga budget priorities ng pamahalaan gaya ng infrastructure, development, pagpapalawig ng programa sa human development, poverty reduction at pagpapabuti sa social services at iba pa.
Kasabay nito, ipinabatid ni Panelo na titiyakin ng gobyerno na matutupad ang pangakong genuine at makabuluhang pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.