Nanawagan ang Philippine Nurses Association (PNA) na maipasa ang Philippine Nursing Act, na layong mag-standardize sa suweldo ng mga nurse na nagtatrabaho sa pribado at gobyernong sektor.
Ayon kay PNA President Melvin Miranda, mas mababa ang kinikita ng ilang nurse sa maliliit na pribadong ospital sa ilang mga rehiyon sa bansa kaysa sa ospital ng gobyerno.
Batay sa Department of Health (DOH) National Health Human Resource, 9,517 pesos hanggang 14,000 pesos ang base pay ng private hospitals habang 32,503 pesos sa mga nurse sa public hospitals.
Dagdag pa niya na marami na ring nurse ang umaalis sa trabaho sa pribadong ospital para pumasok sa government healthcare institutions o sa abroad.
Sakali aniyang maipasa ang naturang Proposed Act ay mapapabuti rin nito ang performance ng mga nabanggit na indibidwal.