Nakatakdang lagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang panukalang batas ng kongreso na TRAIN o Tax Reform Acceleration and Inclusion.
Gayunman, hindi batid ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara kung ano ang magiging pasya rito ng Pangulo sa kabila ng ilang panawagan na i-veto ang ibang probisyon dito.
Nakasalalay aniya sa mga economic managers ng punong ehekutibo ang magiging kapalaran ng TRAIN Bill lalo’t mariing tinututulan ng iba’t ibang sektor ang ilang mga ipinasang probisyon nito na anila’y sisikil at papatay sa kabuhayan ng mga karaniwang mamamayan.
Una nang pinalagan ng ilang mga mambabatas ang probisyon ng nasabing panukala tulad ng mababang buwis sa tobacco gayung ito anila ang dapat na patawan ng mas mataas na buwis gayundin ang mga produktong petrolyo.