Pinamamadali na ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpasa sa mga nakabinbing legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa liham ni ginang Arroyo kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, 11 priority bills na naipasa na ng Kamara ang nangangailangan ng aksyon ng Senado.
Ang mga panukalang ito ay ang Security of Tenure Act, National Land Use Act, Department of Disaster Resilience Act;
Tax reform for attracting better and high quality opportunities; pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo at pag-amyenda sa juvenile justice system.
Muling gagawa ang mababang kapulungan ng Kongreso ng panukala para sa paglikha ng Coconut Industry Trust Fund na alinsunod sa polisiya ng gobyerno.