Hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP sa mababang kapulungan ng kongreso na madaliin na ang panukalang batas na magbibigay ng tax exemption sa overtime pay at graveyard diffrential pay.
Ito’y bilang pagsuporta sa dalawang panukalang inihain ni Makati Representative Abigail Binay na naglalayong amyendahan ang computation sa gross income sa Tax Reform Act.
Sa sandaling maipasa, ang mga empleyadong nagtatrabaho sa gabi o graveyard shift tulad ng mga call centers, security guards, media practitioners at iba pa ang tiyak na makikinabang dito.
Ayon sa TUCP, makatutulong ito para maging produktibo ang mga empleyado na siyang magreresulta sa paglago ng ekonomiya sa harap ng government underspending.
Kasalukuyang pinapatawan ng 32 percent na witholding taxes ang overtime at night differential premiums ng mga manggagawa na tumatanggap ng statutory minimum wage.
By Jaymark Dagala