Nanindigan ang Malacañang na isusulong pa rin ng administrasyon ang pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL)sa loob ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng naging payo ni Cotabato Auxillary Bishop Jose Bagaforo na ipaubaya na sa susunod na administrasyon ang pagpasa sa BBL.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., dekada na aniya ang binilang na panahon ngunit hindi nagkaroon ng matibay na batayan para sa katahimikan sa Mindanao.
Kaya naman ganuon na lamang kasidhi ang administrasyon para isulong ang panukala na may sense of urgency ngunit pagtitiyak na tinitingnan ang lahat ng anggulo para tumalima ang panukala sa itinatadhana ng Saligang Batas.
By Jaymark Dagala