Personal na umapela sa mga kongresista ang aktor na si Robin Padilla para ipasa ang panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Kasunod na rin ito nang pagsisimula ng debate sa plenaryo ng kamara hinggil sa BBL.
Lumantad si Padilla sa kamara sa gitna ng plenary session suot ang isang long sleeve shirt kung saan nakatatak ang isang quote mula kay Pope Francis na kumikilala sa peace deal ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang 17 taong negosasyon.
Nakatatak naman sa likod ng t-shirt ni Padilla ang litrato ni Senador Alan Peter Cayetano.
Sa itaas ng litrato ni Cayetano ay nakasulat ang mga katagang: suportado ng Holy Father ng Simbahang Katoliko ang BBL, kayo ba ay pumapanig sa Santo Papa o sa pulitikong ito.
Nasa ibaba naman ng larawan ng senador ang mga salitang: mas maraming teroristang Kristiyano.
Iginiit ni Padilla ang aniya’y mga positibong bagay na aanihin ng bansa kapag naipasa ang BBL.
By Judith Larino