Hindi dapat madaliin ng liderato ng Kamara ang pagpasa sa Comprehensive Tax Reform Bill na isinusulong ng Duterte administration.
Ito ang inihayag ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman bilang tugon sa hirit ng Department of Finance (DOF) sa kongreso na ipasa na ang una sa apat na comprehensive tax reform program ng gobyerno bago mag-adjourn sa Hunyo 2.
Ayon kay Lagman, dapat munang talakayin ang ilang mahalagang issue gaya ng income tax rate reduction at pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Sa kabila nito, plano naman ng house leadership na pagbigyan ang hiling DOF bago mag-adjourn ang kongreso sa susunod na linggo.
By Drew Nacino | With Report from Jill Resontoc