Naniniwala ang isang Political Analyst na hindi maipapasa lahat ang mga priority bills ng administrasyong Duterte na nakabinbin ngayon sa kongreso.
Ito’y ayon kay Prof. Ramon Casiple, Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reforms kahit pa makalusot sa kongreso ang kontrobersyal na death penalty bill.
Ayon kay Casiple, may kaniya-kaniyang agenda ang mga mambabatas sa mga batas na kanilang ipapasa o susuportahan na nakasalig sa kanilang ligal at moral na prinsipyo.
Kabilang sa mga panukalang nakabinbin pa rin ngayon sa dalawang kapulungan ng kongreso ay ang panukalang batas na nagpapababa sa criminal liability ng mga kabataan gayundin ang Charter Change upang mailipat ang sistema ng gobyerno sa pederalismo.
By Jaymark Dagala