Umapela si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga mambabatas na hayaan ang pagkakaroon ng karagdagang debate sa divorce bill.
Ito, ayon kay Villegas, ay upang magkaroon ng oportunidad ang publiko na magbigay ng kani-kanilang opinyon.
Gayunman, ipinunto ng arsobispo na sagrado ang kasal at hindi makatutulong ang diborsyo sa moralidad ng mga Filipino at higit sa lahat ay mayroon itong epekto sa mga bata.
Magugunita noong Miyerkoles ay inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang naturang panukala.
—-