Kinalampag ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate ang liderato ng Kamara kaugnay sa kaniyang panukalang pagtatayo ng evacuation centers na maaaring magamit sa panahon ng kalamidad.
Bunsod ito ng pananalasa ngayon ng bagyong Urduja at ang napaulat pang susunod na bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Layon ng House Bill 1763 o Evacuation Centers Bill na magkaroon ng ligtas na lugar na matatakbuhan masisilungan ang mga tao tuwing may bagyo, lindol at iba pang sakuna.
Nakasaad din sa panukala na dapat earthquake at disaster resistant ang itatayong evacuation center upang matiyak ang kaligtasan ng mga evacuees.
Ipinunto ni Zarate na sa oras na maisakatuparan ito ay hindi na kailangan pang gamitin ang mga paaralan at multi-purpose halls bilang mga evacuation center kung saan kalamitang nakatayo din sa isang delikadong lugar.
—-