Kailangan nang bilisan ang pagpasa sa evacuation centers bill matapos ang magkakasunod na lindol sa Batangas at mga karatig na lugar simula noong isang linggo.
Sinabi ni House Committee on Natural Resources Chair Carlos Isagani Zarate na dapat isama sa mga priority bill ng Kamara ang House Bill 1763.
Nakasaad sa nasabing panukala na dapat ay resistant hindi lamang sa lindol kundi sa anumang uri ng kalamidad ang mga evacuation center.
Sa ganitong paraan, ayon kay Zarate ay maiiwasan na rin ang nakasanayang paggamit sa mga paaralan at multi-purpose halls bilang evacuation centers sa oras ng kalamidad.
By Judith Larino | with report from Jill Resontoc (Patrol 7)